^

Police Metro

High ranking NPA leader, 2 pa patay sa engkwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at dalawa pa nitong kasama ang nasawi nang makasagupa ang tropa ng militar sa bayan ng Rosario, Batangas, kamakalawa.

Ayon kay Captain Michael Malacad, Officer-in-Charge ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), kasalukuyang nagsasagawa ng Focused Military Ope­rations (FMO)  ang mga elemento ng Army’s 59th Infantry “Protector “ Battalion (IB) sa Brgy. Leviste, Rosario nang masabat nitong Martes Santo ang mga armadong rebelde.

Sa report ni 201st Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Erwin Alea, ang grupo ng mga rebelde na nabulaga ng kaniyang mga tauhan ay mula sa Sub-Regional Military Area (SRMA)-4C na pinamumunuan ni Junalice Arante - Isita alyas Ka Arya, Kalihim ng grupo mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee(STRPC). Sa nasabing pagpapanagpo ay agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ni Isita at dalawa pa na kinilalang sina Bernardo Bagaas alyas Ka John Paul, Logistics Officer  ng grupo at Erickson Bedonia alyas Ka Ricky miyembro ng SMRA-4C.

Sa rekord, si Isita ay Political Instructor ng STRPC’s Main Regional Guerilla Unit at pinuno ng Kilusang Larangan Guerilla (KLG) Silangan na may warrant of arrest sa Regional Trial Court (RTC) Branch 7 sa Batangas City kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon pa sa mga opis­yal, si Isita ay asawa ng partidong komunista na si Isagani Isita alyas Yano, lider ng STRPC’s Sinag 2 na namatay sa bakbakan sa tropa ng mga sundalo noong Hulyo 30, 2023 matapos na manlaban habang isinisilbi ang warrant of arrest laban dito sa Sariaya, Quezon.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with