^

Police Metro

Pagbabalik ni Teves matatagalan pa - NBI

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matatagalan pa umano bago makabalik sa Pilipinas si dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Ito ang sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) batay sa ginawang pagtiyak sa Philippine contingent ng mga opisyales ng Hustisya ng Timor Leste makaraang mahuli si Teves.

Sinabi ni NBI Director Medardo de Lemos na malamang may pito hanggang 49 araw pa ang bibilangin bago makabalik sa bansa si Teves.

Anya, nasa proseso pa rin ng pagtukoy ng mga opisyal ng Timor Leste sa mga merito ng red notice na inilabas laban kay Teves at makaraan nito ay sila na ang magdedesisyon sa susunod na hakbang na gagawin hinggil dito.

Anya kusang-loob na nakipag-usap si Teves sa NBI contingent, kabilang ang pagpayag na kunan siya ng litrato.

Sinabi pa ni De Lemos na namagitan ang defense team ni Teves para igiit ang kanyang kahilingan para sa political asylum para hadlangan na maibalik ito sa Pilipinas.

Si Teves ay naaresto sa Top Golf Driving Range and Bar sa Dili,Timor-Leste noong Huwebes ang inaakusahang nasa likod ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023.

vuukle comment

ARNOLFO TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with