Binata, itinumba ng 2 kausap

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang binata nang barilin ng dalawang lalaking kanyang kausap habang naglalakad sa Port Area, Manila kahapon ng madaling araw.

Ang biktimang nakilala lang na si alyas ‘Ronald,’ nasa 25-30 anyos at may taas na 5’7” ay nagtamo ng  tama ng bala sa likod ng ulo.

Samantala, arestado naman sa follow-up ope­ration ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Police Station 14 (PS-14), ang mga suspek na sina John Pascua, 28, ng O483 Gate Area H Parola, Binondo, Maynila; at Ramon Sombe, 34, ng Block 1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD- Homicide Section, alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Block 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Sa salaysay ng mga testigo sa krimen, nabatid na bago ang krimen ay nakita nilang magkakasamang naglalakad at nag-uusap ang mga suspek at biktima.

Laking gulat umano nila nang bigla na lang bumunot ng baril si Pascua at kaagad na pinaputukan ang biktima sa likod ng ulo na agaran nitong ikinasawi.

Show comments