^

Police Metro

Mag-ina na nakamotor patay sa trak

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang mag-ina na sakay ng motorsiklo matapos masalpok ng cargo truck habang papalabas isang talyer sa gilid ng highway sa Barangay Bolong, Zamboanga City, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na sina Jonmar Eijansantos at ang ina na si Innocencia matapos masapol ng cargo truck (MAV-2644) na minamaneho ni Reymundo Ledita.

Sa ulat, nagkaroon umano ng problema sa preno ng truck kaya nawalan ng kontrol si Ledita at nagawi sa gilid ng highway at nabundol ang mag-inang magkaangkas sa kanilang motorsiklong kakaayos lang sa isang talyer sa naturang lugar.

Ang cargo truck ay may laman na mga produktong mula Davao City na ihahatid sana sa isang shopping mall sa Zamboanga City nang maganap ang aksidente.

Sumuko naman ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with