^

Police Metro

Lotto bettor namuhunan ng P90 milyon taya nanalo ng P600 milyong jackpot

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement na may isang indibiduwal na nanalo sa lotto ng mahigit sa P600 milyon matapos tumaya sa tatlong lotto outlets at mamuhunan ng nasa P90 milyong taya.

Ito ang ibinunyag ni Senator Raffy Tulfo at sa Binondo nangyari ang pagtaya sa lotto kung saan gumamit ng tinatawag na System 12 ang nasabing indibidwal.

“Nag-invest siya ng 90 million at nanalo siya ng P600 million at ang tinaya niya ay System 12. So again, one person may-ari siya. Maybe siya ang may-ari, maybe hindi. Parang nag-invest siya ng P90 million, tig-P30 million each outlet na siya ang may-ari... This is in Binondo area,” ani Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na hindi malinaw kung agent o talagang sugarol lamang ang nasabing indibiduwal.

Sa tatlong magkakahiwalay na outlet aniya tumaya ng System 12 sa lotto ang nasabing indibidwal.

“Sa system 12 kasi hindi uulit yun eh. Hindi uulit so although wala akong nakikitang ilegal doon…ang isang tao tatayaan niya lahat ng number possible combination para bumalik yung taya niya plus may tubo pa siya,” ani Tulfo.

Pero ang nakikita lamang aniyang problema ni Tulfo ay ang pagtaas ng premyo na nadagdagan ng P500 milyon kaya umabot sa P600 milyon ang jackpot.

Kuwestiyunable pa rin kay Tulfo ang biglang pagtaas ng nasabing jackpot pero hindi niya tinukoy kung kailan ito nangyari.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with