2 kadete ng PNPA dinismis, 43 sinuspinde

MANILA, Philippines — Dinismis ang dalawang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) habang 43 ang sinuspinde dahil sa iba’t ibang mga paglabag.

Tumanggi si PNPA director Maj. Gen. Eric Noble na ibunyag ang mga pa­ngalan at paglabag, su­balit sinabi nito na bahagi ito ng pagpapanatili ng kalidad, pagdidisiplina at propesyonalismo ng PNPA.

Pirmado ni Noble ang pagkakasibak ng da­la­wang kadete noong Hunyo 12, matapos mapatunayang nagkasala ang mga ito sa rekla­mong isinampa laban sa kanila.

Indikasyon lamang ito na hindi kinukunsinti ng PNPA ang mga lumalabag na kadete sa regulasyon.

Samantala, nasa 13 kadete ang sinuspinde at ibinalik sa lower class bilang parusa dahil sa academic-related shortcomings habang ang 30 kadete ay suspindido dahil sa non-academic at tactics deficiencies.

Show comments