^

Police Metro

PNR Calamba-Alabang Line, tigil-biyahe muna

Mer Layson - Pang-masa
PNR Calamba-Alabang Line, tigil-biyahe muna
Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez, mapapabilis ang konstruksyon ng NSCR nang walong buwan dahil itatayo lamang ang bagong elevated, double-track at electrified train system nito sa ibabaw mismo ng riles ng PNR.
People's Television / Twitter

MANILA, Philippines — Simula sa Hulyo 2 ay tigil muna ang serbisyo­ ng Philippine National Railways (PNR) mula Alabang hanggang Ca­lamba para bigyang-daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR) system.

Anila, humigit-kumulang sa 467 pasahero ang sumasakay sa isang biyahe bawat araw na maaapektuhan ng tigil-biyahe.

Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez, mapapabilis ang konstruksyon ng NSCR nang walong buwan dahil itatayo lamang ang bagong elevated, double-track at electrified train system nito sa ibabaw mismo ng riles ng PNR.

Dagdag pa niya, ha­ngad tapusin ng pamahalaan ang NSCR sa loob ng limang taon o hanggang sa taong 2028.

Samantala, habang itinatayo ang NSCR, hindi muna magagamit ang mga istasyon ng Alabang, Muntinlupa, San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, Mamatid, at Calamba.

Nabatid na ang 147-kilometrong NSCR system ay inaasahang tatahak mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna, na mag-uugnay sa Greater Manila Area sa karatig na mga lalawigan.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with