Ex-FL Imelda nagpa-angioplasty

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senador Imee Marcos na sumailalim ang kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa isang medical procedure.

Anya, naging ma­ta­gumpay ang isinagawang angioplasty sa kanyang ina noong May 7, 2023 sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Patuloy na nagpapaga­ling ang dating Unang Ginang at posibleng makauwi na umano ngayong linggo sa kanilang bahay.

Ang dating Unang Ginang ay mag-94 taong gulang na sa buwan ng Hulyo.

Show comments