^

Police Metro

Chinese nationals ‘di magsasampa ng kaso laban sa CIDG-NCR operatives

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag ang mga Chinese national na naaresto na nagsisipagsugal sa Parañaque City na hindi na nila kakasuhan ng corruption ang mga nang-raid na mga operatiba ng Criminal Investigation Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR).

Kinilala ang mga dayuhan na sina Lin Andan, Yi Aile, Li Meiyi, Xiao Yan, Nian Xian, Zhang Fui, Jimmy Jutang, Wu Wei Long, Niu Howy, Lei Wen, A Shui, Peng Jun, at Ki Kin na nagsumite ng kanilang pormal na pahayag na ang mga operatiba ay walang kinuhang pera o anumang personal na gamit at sila ay pinalaya naman agad. Gayunman, paglaya ng mga dayuhan ay hinimok umano ni Lt. Gen Rhodel Sermonia ang mga Chinese na magsampa ng reklamo laban sa CIDG-NCR, subalit tumanggi ang mga dayuhan at nagsaad na hindi sila magsasampa ng kaso laban sa mga operatiba.

Sa naturang aku­sas­yon sa mga operatiba ay nagsumite ng resignation letter si CIDG-NCR Chief Col. Hansel Marantan upang magbigay-daan sa pagiging transparency sa isasagawang pagsisiyasat sa mga ope­ratibang kaniyang pinangangasiwaan na nagsagawa ng pag-aresto sa mga dayuhan.

Sa isinagawa namang press conference ni P/Lt. Gen. Sermonia, patungkol sa isyu ng mga operatiba ay hindi lamang umano ang imahe ng mga operatiba ang napulaan kundi damay na ang kabuuan ng CIDG-NCR.

Samantala, paiim­bestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azu­rin, Jr. kung boluntaryo ang desisyon ng 13 Chinese na hindi magsampa ng kaso laban sa mga operatiba ng CIDG-NCR matapos na magbigay umano ng affidavit na hindi na sila magsasampa ng reklamo laban kay Marantan at 12 tauhan nito dahil wala ng kinuhang pera o mamahaling gamit ang mga operatiba.

“We have determine the culpability kung merong violation ng police operational procedure that was violated by our operating team so hindi na maulit uli,” ani Azurin.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with