Pangulong Marcos bumiyahe na pa-Japan

MANILA, Philippines — Lumipad na kahapon patungong Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglalayong palakasin ang kolaborasyon ng Maynila at Tokyo sa malawak na saklaw, kabilang na ang “agrikultura, renewable energy, digital transformation, defense at infrastructure.”
Sa kanyang departure speech, sinabi ng Pangulo na pagyayamanin niya ang kolaborasyon sa mga lugar “where future synergies and complementary interests converge with those of Japan.”
“My bilateral visit to Japan is essential and is part of a larger foreign policy agenda to forge closer political ties, stronger defense, and security cooperation, as well as lasting economic partnerships with major countries in the region amid a challenging global environment,” ayon sa Chief Executive.
Ang official visit ng Pangulo ay nagsimula kahapon (Pebrero 8 hanggang 12, kung saan kabilang dito ang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at isang audience kay Emperor Naruhito.
Habang nasa Japan, sinabi ng Pangulo na gagawin ng kanyang team na palakasin at pagtibayin ang “bonds of friendship with a close neighbor, like-minded and future-oriented like us in many ways, and a most reliable partner in times of both crises and prosperity.”
Makikipagpulong naman si Pangulong Marcos kay Prime Minister Kishida para sa bilateral relations at regional cooperation sa iba’t ibang aspeto o mula sa security at economic relations sa patuloy na commitment ng Maynila at Tokyo para sa mutual peace at prosperity.
Inaasahan naman na kapwa lalagdaan ng dalawang lider ang mga key agreement sa larangan ng humanitarian assistance at disaster relief, infrastructure, agriculture at digital cooperation.
- Latest