^

Police Metro

3 pulis-Cavite, 1 HVI tiklo sa droga

Ed Amoroso - Pang-masa
3 pulis-Cavite, 1 HVI tiklo sa droga
Kinilala ang mga na­arestong pulis na sina Corporal Christian Arjul Monteverde, 35; Staff Sergeant Tomas Dela Rea Jr., 34; at Patrolman Jeru Magsalin Set, na pawang nakadestino sa Intelligence unit ng Dasmariñas police station at kasabwat nilang si Jorilyn Magnaye Ambrad, 22, high value individual na sinampahan na ng kaso sa prosecutor office, yesterday morning.
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Tatlong intelligence police officers at isang babaeng high value drug suspect ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Brgy. Salitran, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga na­arestong pulis na sina Corporal Christian Arjul Monteverde, 35; Staff Sergeant Tomas Dela Rea Jr., 34; at Patrolman Jeru Magsalin Set, na pawang nakadestino sa Intelligence unit ng Dasmariñas police station at kasabwat nilang si Jorilyn Magnaye Ambrad, 22, high value individual na sinampahan na ng kaso sa prosecutor office, yesterday morning.

Ayon kay Col. Christopher Olazo, Cavite police director bukod sa kasong criminal sa illegal possession ng drugs at drug pushing sa tatlong pulis ay nahaharap din ang mga ito ng administrative case at dismissal proceeding para masibak sa serbisyo.

Inalis na ang mga nasabing pulis sa kanilang puwesto at dinisarmahan na rin ng kanilang mga kabaro.

Ang pagsasagawa ng drug operation laban sa tatlong pulis at kasabwat nilang babae nang makatanggap sila ng report na sangkot ang mga ito sa pagbebenta ng illegal drugs.

Nabatid na nakatakas si Pat. Set nang isagawa ang drug operation sakay ng Toyota Grey Altis (ABL-6249) kaya’t isi­nagawa ang hot pursuit operation at naaresto ito kahapon sa Dasmariñas City.

Nakumpiska sa mga pulis ang 19 piraso ng plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 205 gramo na may estimated street-valued na P1,431,600, mga bala at baril ng kanilang service firearms. - Cristina Timbang

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with