^

Police Metro

2 bebot tiklo sa higit P2 milyong shabu

Tony Sandoval - Pang-masa
2 bebot tiklo sa higit P2 milyong shabu
Tinatanong ng mga otoridad ang isa sa dalawang babae na naaresto sa drug buy-bust operation kahapon ng madaling araw at nasamsam ang nasa 20 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.
Quezon PNP

MANILA, Philippines — Dalawang babae na umano ay notoryus sa pagtutulak ng ipinagbabawal na shabu ang naaresto sa isinagawang anti-ilegal drug operation at nakum­piskahan ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.00, kahapon ng madaling araw sa Sitio Malalim, Barangay San Jose, General Luna, Quezon.

Nakapiit na sa municipal jail at kinasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 ang mga suspek na sina Melody Palatino, alyas Mami, 41, dalaga at kabilang sa talaan ng mga Highly Value Individual ( HVI ) at Marie Maano, 45, dalaga at kabilang sa Newly Identified Personality ( NIP ).

Ayon kay PCol.Ledon Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director, bago ang pagkaaresto sa dalawa ay tumanggap ng impormasyon ang lokal na pulisya na nagpapatuloy ang iligal na operasyon ng mga ito sa kabila ng warning ng mga barangay officials .

Bandang, ala-1:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang buy-bust operation laban sa mga suspek at nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang sling bag na naglalaman ng 20 piraso ng plastic sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 100 gramo at nagkakahalaga ng P2,040,000.00, isang piraso ng P1,000 marked money at 13 piraso ng P1,000 ng boodle money. —Ed Amoroso

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with