Employer ‘di exempted sa pagbibigay ng 13th month pay
MANILA, Philippines — Walang employer ang exempted sa pagbibigay ng 13th-month pay kahit isang buwan pa lang na empleyado o maging kasambahay.
Ito ang ipinaalala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na hindi dapat lumagpas ng Disyembre 24, 2022 o mas mainam na bago pa sumapit ang nasabing petsa ay naipagkaloob na ang 13th month pay.
“Bagamat alam naman nating na ‘yung mga kumpanya, na alam naman natin na ang mga nasa kategorya na micro, small and medium enterprises (MSMEs) ay hirap pa rin dahil hindi pa sila lubusang nakakabangon, pero gusto ko lang sabihin na wala pong exemption sa pagbabayad ng 13th month pay,” ani Laguesma.
“Puwedeng pag-usapan ng manggagawa at employer kung paano matutugunan ang 13th month pay kung hirap ang kanilang kumpanya.”
Nanawagan si Laguesma sa mga employer na huwag nang hintayin ang deadline at ibigay ang 13th-month pay nang mas maaga.
“Entitled din ang mga kasambahay para sa 13th month pay,” dagdag pa niya.
- Latest