^

Police Metro

Mga jobless na Pinoy nabawasan — PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Phi­lippine Statistics Au­thority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Oktubre kum­para sa nagdaang buwan.

Mula sa 2.5 milyong jobless noong Setyembre, bumaba ito sa 2.24 milyon noong Oktubre, katumbas ng 4.5 percent base sa isinagawang Labor Force Survey noong Oktubre.

“Ang unemployed per­­sons o bilang ng mga nasa labor­ force na walang trabaho o negosyo nitong Ok­tubre 2022 ay nasa 2.24 million,” wika ni PSA chief Dennis Mapa.

Nabatid na ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitala simula ng pre-pandemic noong Oktubre 2019.

Ayon sa PSA, ang services sector ang nanguna bilang top employer na may 59.2% porsyentong share sa labor market.

Sumunod ang sektor ng agriculture at industry sectors na may 22.5 por­syento at 18.3 por­syento.

Pero kung nabawasan ang bilang ng mga tambay sa bansa, bahagya ring bumaba ang bilang ng mga nagtatrabaho, mula 47.58 milyon noong Set­yembre ay naging 47.11 milyon noong Oktubre.

Ipinaliwanag ni Mapa na ang bahagyang pagbaba ng labor force ay bunsod ng muling pag-aaral ng maraming kabataan.

vuukle comment

PHI­LIPPINE STATISTICS AU­THORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with