^

Police Metro

Pasko 2022 mas ligtas sa banta ng COVID – DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mas ligtas na Pasko umano ang matatamasa ngayong taon na malaking-malaki ang pagkakaiba noong 2021.

Sinabi ni Vergeire na mas mabuting Pasko at mas armado ngayon ang publiko dahil sa mas mataas na vaccination rate na nakamit na ng bansa at mas handang mga pagamutan.

“Ngayon, laging tinatanong sa’kin kung kamusta ang Pasko natin ngayong 2022 kumpara sa Pasko noong 2021 at 2020. Lagi kong sinasagot it will be a totally different. Ito po ay kakaiba sa mga naging Pasko natin noong mga nakaraang dalawang taon dahil ngayon, punung-puno na ang tao ng armas para labanan ang COVID,” saad ni Vergeire.

Inalala niya noong 2021 na punum-puno ang mga pagamutan ng mga pasyente­ dahil sa Delta variant, kung saan ilan sa kanila ay kailangan pang maglagay ng mga tents para sa mga pasyente sa mga parking lots habang pumipila ang mga tao para makabili ng oxygen tanks.

“Ayaw na ho nating bumalik sa dating estado,” paalala ni Vergeire. Sa ngayon, nasa 73.7 milyong Pilipino ang nakatanggap na ng primary series ng bakuna habang 21 milyon ang nakapagpaturok ng unang booster shot.

Kahapon naman ang huling leg ng tatlong-araw na “Bakunahang Bayan” na nag-umpisa nitong Disyembre 5-7, na target ang mga batang may edad 5-11 taong gulang at pagbibigay ng booster shot sa mga kuwalipikadong populasyon.

“Ang pinaka­impor­tante, lahat ng ospital natin ngayon ay handang-handa na mag-admit ng pasyente at maggamot ng mga pa­syente. Ang sabi nga nila, naging eksperto na ang mga doktor natin dito sa Pilipinas sa paggagamot ng COVID-19,” ayon pa kay Vergeire.  

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with