^

Police Metro

14K pulis, ikakalat ngayong Pasko sa NCR

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagbaba ng index crimes na naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpasok ng “ber months,”nasa 14,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa Metro Manila para tiyakin ang tahimik at mapayapang pag­diriwang ng Kapaskuhan. 

Ayon kay NCRPO Spokes­person Lt. Col. Dex­ter Versola, inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga parks, malls, mga lugar na dinadagsa ng mga tao at iba pang mga shopping areas.

Inaasahan din, ayon pa sa opisyal ang pagdagsa ng mga tao sa tradisyunal na Simbang Gabi na magsisi­mula na sa Disyembre 16 kung saan ay palalakasin ang police visibility sa palibot ng mga simbahan.

Sinabi ni Versola, maliban sa deployment ng mga pulis sa Metro Manila ay imomonitor din nila ang mga aktibidades kaugnay ng nalalapit na Kapaskuhan hanggang sa pagsalubong sa bagong taon ng 2023.

“We will also monitor all law enforcement and public safety operations by PNP units down to police stations, particularly the situation in churches and other places of convergence during the traditional Simbang Gabi and Misa de Gallo,” pahayag ni Versola.

 Inihayag ni Versola na ang limang police districts sa ilalim ng command ng NCRPO ang inatasan ni NCRPO Director P/Brig. Gen. Jonnel Estomo na magsagawa ng security assessments sa kanilang mga nasasakupang lugar upang madetermina ang crime–prone areas at dito palakasin and deployment ng mga foot at mobile patrols ng kapulisan.

Sinabi ni Versola na da­hilan sa puspusang pag­tratrabaho ng NCRPO cops sa ilalim ng SAFE prog­ram ni Estomo ay nagkaroon ng unti-unting pagbaba sa index crimes mula Setyembre hanggang Nobyembre.

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with