^

Police Metro

BFAR kinastigo, bubusisiin ng Ombudsman!

Angie dela Cruz - Pang-masa

Sa ‘di naipatupad na batas vs imported fish

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi naipa­tupad na Fisheries­ Administrative Order No. 195 na nagba­bawal na maibenta sa mer­kado ang mga imported na isda sa bansa, iniutos ni Ombudsman Sa­muel Martires ang malalimang pagbusisi sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kinuwestyon ni Martires kung bakit nag-abiso ang BFAR na sa Disyembre 4 ay kukumpiskahin na ang mga naibebentang imported na mga isda sa mga palengke at pamilihan gayung ang naturang utos ay noon pang taong 1999 na­isabatas ng gobyerno.

Kinastigo at kinuwes­tyon din ni Mar­tires kung bakit hindi pinalakas ng BFAR ang information campaign hing­gil sa pagbabawal na maibenta ang imported na isda sa mga pamilihan.

Sinabi naman ni Nazario Briguera, Chief ng Information and Fisherfolk Coordination Unit ng BFAR matagal nang naipatupad ang batas.

“Hindi lang naman ngayon ipinatupad, in fact ‘yan ang gingamit nating batas­ pagdating sa pagbibigay ng mga permit doon sa mga importers kapag ang kanilang market destination ay institutional buyers, nagkataon lang na nagkaroon tayo ngayon ng massive campaigns” paliwanag ni Briguera.

Sa ilalim ng FAO 195 na nilagdaan noong 1999, nakasaad dito ang pagba­bawal na maibenta sa mga pamilihan at palengke ang imported na isda tulad ng Pampano at pink salmon upang bigyan daan ang pagbili ng mga pinoy sa sari­ling huli na mga isda. Ang mga imported na isda ay maaari lamang  ma-import ng mga malalaking kumpanya na gumagawa ng mga pagkaing delatang isda at mga restaurant na nagluluto ng imported fish.

Tatlong araw ang binigay ni  Martires sa mga opisyales ng BFAR para magpaliwanag hinggil dito.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with