^

Police Metro

Lotto winners kinubra na ang panalo

Mer Layson - Pang-masa
Lotto winners kinubra na ang panalo
Nagpakuha ng larawan kasama si PCSO chairman Mel Robles ang ilan sa 433 winners na kumubra ng kanilang panalo sa nakalipas na Grand Lotto 6/55 kahapon sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong City.

MANILA, Philippines — Dinagsa kahapon ang tanggapan ng Philippine Cha­rity Sweepstake Office (PCSO) sa Mandaluyong City ng mga nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado.

Matatandaang uma­bot sa 433 ang nanalo sa jackpot prize na P236 milyon kaya marami ang nagduda na umano  may iregularidad ang naganap na pagbola ng lotto.

Nagbanta pa si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na paiimbestigahan niya sa Senado ang kataka-taka at nakapagdududang resulta ng Grand Lotto draw.

Nitong Lunes, isa sa maagang nakakubra ng kanyang parte sa jackpot prize ay nagkuwento umano sa PCSO na sampung oras siyang nagbiyahe para makara­ting sa Metro Manila at makubra ang kanyang napanalunan.

“Tumataya po talaga ako ng pattern 9, pattern 8, pattern 7 at pattern 6 sa loob ng maraming taon at ako’y nagpapasalamat na ngayon ay napanalunan ko na,” kuwento umano ng masuwerteng mananaya sa opisyal ng PCSO.

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ng PCSO ang larawan ng iba pang nanalo sa Grand Lotto jackpot hawak ang kanilang winning ticket. Ang kanilang mga mukha ay tinakpan upang itago ang pagkakakilanlan.

Noong Linggo, sinabi ni PCSO General Manager Melquiades Robles na natukoy na nila ang 433 lugar kung saan tinayaan ang winning combination na 09-45-36-27-18-54. Kalat umano ang mga nanalo, pinakamalayo ay sa Zamboanga Peninsula.

Bawat isa sa kanila ay kukubra ng tig-P436,196 matapos bawasan ng 20 percent tax alinsunod sa TRAIN Law.

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with