^

Police Metro

Pagpapaliban ng BSKE sa 2023, pinaboran ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Kamara ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Disyembre 5, 2022 matapos na bumoto ang House Suffrage and Electoral Reforms sa pag-usog nito sa Dis­yembre 4, 2023.

Sa ginanap na video conference ng komite sa pamumuno ni Rep. Maximo Dalog Jr. (Lone District, Mountain Pro­vince), 12 Kongresista ang pumabor sa panukala na ipagpaliban sa Disyembre ng susunod na taon ang pagdaraos ng BSKE sa bansa.

Ito’y sa gitna na rin ng pagsusulong ng ilang mambabatas na huwag munang idaos ang nasabing eleksyon upang makatipid ng pondo ang pamahalaan lalo’t malaki pa ang nagasta sa katatapos na May 9, 2022 elections.

Una rito, inihayag ng Comelec na kung ipagpapaliban ngayong taon ang pagdaraos ng eleksyon sa nasabing level ay tinata­yang nasa P5 bilyon ang magagastos ng gobyerno.

Sumalungat sa botohan sina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa katwirang tinatanggalan umano ng karapatan ang mga botante.

Gayunman, pinagtibay ng House panel ang mos­yon na isagawa ang botohan sa Disyembre 2023 o tatlong taong termino na kung saan ang mga mahahalal sa puwesto sa Brgy. at SK polls ay magsisimula ang termino sa Enero 1, 2024 matapos ang Christmas break.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with