^

Police Metro

DOH natukoy ang 924 bagong Omicron subvariants

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pinakahuling genome sequencing ay nakatukoy ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 924 kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants.

Kabilang dito ang 906 kaso ng BA.5, 11 bagong kaso ng BA.4, at pitong bagong kaso ng BA2.12.1.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, umakyat na ang kabuuang kaso ng BA.5 sa 4,013, ang BA.2.12.1 ay nasa 181at 115 ang BA.4.

Inaalam pa ng DOH ang exposure at tra-vel history ng lahat ng pasyente. Wala namang nadagdag sa unang 2 kaso ng BA.2.75 o Centaurus subvariant.

Sa mga bagong kaso ng BA.5, nasa 682 sa kanila ay fully-vaccinated na ngunit dinapuan pa rin ng virus, 14 ang partially vaccinated habang 210 ang bineberipika pa.
Nasa 814 sa kanila ang nakarekober na, 49 ang nasa isolation pa habang inaalam ang estado ng 43 pang iba.

vuukle comment

DOH

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with