Comelec sa Kongreso: Desisyunan na kung sususpindihin ang BSKE
MANILA, Philippines — Upang makapaghanda ay nais ng Commission on Elections (Comelec) na makakapagdesisyon na ang Kongreso kung sususpindehin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa katapusan ng ng Agosto.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na handa na silang humarap sa pagdinig na ipatatawag ukol sa BSKE kung sususpindehin ito o itutuloy sa Disyembre.
Sa kabila ng katwiran na makakatipid ang pamahalaan ng P8.141 bilyong pondo, personal na paniwala ni Garcia na dapat matuloy ang eleksyon upang hindi na muling mapagkaitan ng demokrasya ang mga botante.
Ang eleksyon rin umano ang paraan para mapalitan na ang mga tiwali, mga walang ginagawa sa posisyon, at walang maipakitang performance sa pamahalaan.
- Latest