_pang-masa
^

Police Metro

Healthcare workers patuloy na naglalayasan

Danilo Garcia - Pang-masa

Nais magtrabaho sa ibang bansa…

MANILA, Philippines — Dahil karamihan na healthcare workers ay nais magtrabaho sa ibang bansa ay patuloy ang pagbibitiw ng mga ito sa kanilang trabaho.

Kaya’t nag-aalala si Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) president, Dr. Jose Rene de Grano, na kakapusin na sa healthcare workers (HCWs) ang bansa  dahil sa mas ma­laking alok na suweldo kung kaya naglalayasan ang mga HCW sa mga ospital.

“Naghihintay na lang po siguro ng ticket pa­punta ng abroad. Prediction ko nga po in the next 6 months talagang halos mapaparalyze na ating mga ospital dahil sa kakulangan,” ayon kay De Grano.

Isa rin sa dahilan ng pagbibitaw sa pwesto ng mga healthcare worker ay ang naantalang pagbibigay ng ipinangako sa kanilang mga benepisyo.

Dahil dito, nahihirapan ang mga pribadong pagamutan na tumugon sa pangangailangan ng mga pasyente lalo na kapag nagdedeklara ng ‘full capacity’ dulot pa rin ng COVID-19.

Upang maibsan ang kakulangan sa manpo­wer, nagdedeklara ang ilang pagamutan na ‘full capacity’ na kahit may mga ekstra pang kama dahil sa kakulangan sa nurses na tutugon sa mga pasyente.

Bukod sa mga nagbitiw, marami rin sa mga HCWs ang tinatamaan din ng sakit dahil sa sobrang pagod.

HEALTH WORKER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with