COVID-19 case posibleng umabot sa 40K kada araw

Commuters are seen queueing in this October 1, 2020 photo.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dahil umano sa taas pa rin ng positivity rate sa mga na-testing na indibidwal ay maaari umanong hanggang 40,000 kada araw ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Setyembre o sa umpisa ng Oktubre.

Ito ang inihayag ni University of the Philippines- COVID-19 Pandemic Response Team Professor Jomar Rabajante at hindi pa umano dito kasali ang mga hindi natutukoy na mga kaso at iyong mga natutukoy ng mga antigen test.

“Positivity rate is still high. It’s nearly 30 percent which means that in three people being tested by RT-PCR, one might turn out positive,” ayon pa kay Rabajante.

Naniniwala din siya na mas dapat ang ‘granular lockdown’ sa bansa sa paglaban sa pandemya kaysa sa malawakang lockdown.

“Dahil sa granular lockdowns, matatarget talaga natin ang mga lugar na very high risk, very high number of clusters,” ayon pa kay Rabajante.

Show comments