_pang-masa
^

Police Metro

Metro Manila COVID-19 surge na ‘Circuit-breaker’ lockdown ipatupad

Mer Layson - Pang-masa
Metro Manila COVID-19 surge na âCircuit-breakerâ lockdown ipatupad
Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye na ang NCR ay nasa COVID-19 surge na matapos magtala ng halos isang libong kaso kada araw sa Metro Manila.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng OCTA Research Group ang pagpapatupad ng ‘circuit-breaker’ lockdown sa National Capital Region (NCR) o ang two-week lockdown.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye na ang NCR ay nasa COVID-19 surge na matapos magtala ng halos isang libong kaso kada araw sa Metro Manila.

“Hindi pwedeng balewalain ito. Hindi pwedeng hindi pansinin itong pagtaas,” aniya sa isang public briefing.

“Kapag humampas tayo ng mga 2,000, mararamdaman na talaga ng ating mga ospital.”

Sinabi pa ni Rye na ang mungkahi ng OCTA ay i-adopt ang ginagawa ngayon ng Australia at New Zealand.

Ipinaliwanag ni Rye na ang two-week lockdown ay makapagbibi­gay ng sapat na panahon upang makasikad ang vaccination drive ng pamahalaan.

“Para tayong nagre-race, inuunahan natin ‘yung Delta. Para tayong nasa Olympics; ang laban natin ‘yung Delta tsaka ‘yung bakuna. So we’re trying to buy time for the vaccination program to finally kick in and make us more resilient,” paliwanag pa ni Rye.

Sinabi ni Rye na na­ging mabilis ang pagkalat ng COVID-19 cases sa ngayon kaya’t nanawagan sa mga mamamayan na maging maingat.

Babala pa niya, kung mabibigo ang bansa na pigilan ang pagkalat ng Delta variant ay maaaring mangyari rin sa Pilipinas ang sinapit ng mga kalapit nating bansa.

Inihayag naman ng Department of Health (DOH) na umakyat na ng 47 porsiyento ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR. - Angie dela Cruz, Danilo Garcia

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with