_pang-masa
^
Tren ng MRT-3, binandalismo
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, lumalabas sa paunang imbestigasyon na dakong alas-8:35 ng gabi nang iulat ng isang train driver ang nakitang tren palabas ng Santolan station (Northbound), na may nakasulat na salitang ‘cranks’ sa kaliwang bahagi nito.
pna.gov.ph

Tren ng MRT-3, binandalismo

Mer Layson (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang binandalismo kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, lumalabas sa paunang imbestigasyon na dakong alas-8:35 ng gabi nang iulat ng isang train driver ang nakitang tren palabas ng Santolan station (Northbound), na may nakasulat na salitang ‘cranks’ sa kaliwang bahagi nito.

Ayon sa driver ng vandalized train, tumigil ang kaniyang minamanehong tren sa wayside area ng Magallanes station at Taft Avenue station upang maghintay ng signal, bago pumasok sa Taft Avenue station platform (Southbound).

Anang MRT-3, maaa­ring nakapasok sa Taft Avenue station ang mga suspek gamit ang kakadiskubre lang na damaged perimeter fence sa harap ng isang gasoline station.

Patuloy naman na nga­yon ang ginagawang imbestigasyon ng MRT-3 sa insidente ng bandalismo.

“Ongoing din ang repositioning ng CCTV cameras for wider scope, para macover ang high-security risk areas sa linya nang hindi na maulit ang ganitong insidente,” dagdag pa ni Dir. Capati.

Aniya, nire-review na ang lahat ng CCTV camera upang malaman kung sino ang responsable sa naturang insidente.

VANDALISM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with