^
3 Koreano na wanted sa online scam, timbog
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga nadakip na sina Jung Myunghun, 38, lider ng sindikato; Kang Wesung, 36 at Yu Daewoong, 38.
STAR/File

3 Koreano na wanted sa online scam, timbog

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong puganteng South Korean na pawang mga itinuturing na most wanted at binansagang lider ng “big-time syndicate” sa kanilang bansa na nagpapatakbo ng online scam at nambiktima ng marami nilang kababayan sa isang operasyon sa Parañaque City at Nueva Ecija, kamakalawa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga nadakip na sina Jung Myunghun, 38, lider ng sindikato; Kang Wesung, 36 at Yu Daewoong, 38.

Matagal na umanong pinaghahanap ang tatlong takas ng mga Korean authorities at ng Interpol at humingi ng tulong sa BI nang makatanggap ng impormasyon na sa Pilipinas nagtatago ang tatlo.

Umabot sa 2,600 kaso ang kinakaharap ng mga suspek at nasa 10 bilyong won o US$9 milyon ang natangay ng mga suspek sa kanilang mga biktima. Ang tatlo ay nakakulong sa CIDG Headquarters sa Camp Crame.

ONLINE SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with