^

Police Metro

Political instructor ng NPA, 4 pa sumuko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Political Instructor ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at apat nitong tauhan sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat ang sumuko sa pamahalaan, kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., Commander ng AFP Western Mindanao Command ang sumukong opisyal ng mga rebelde na si Teting Dakias Lonon; gumagamit ng mga alyas na Ka Tingting, Tekboy at Boyet, 49 at tubong Palimbang, Sultan Kudarat; Fredy Senial, 37; Robert Lonon, 21, pinsan ni Lonon; Gatosan Ingil, 42 at ang 16-anyos na anak ng nasabing political instructor.

Si Lonon ay nagsisilbing political instructor ng Local Guerilla Unit 1 ng Sub-Regional Committee Daguma, Far South Mindanao Region sa ilalim ng pamumuno ni Ka Ampog Aldok.

Sinabi ni Lonon na ni-recruit siya ng isang na­gngangalang Gatosan Kindat noong 2014 kung saan nakilahok siya sa pambobomba ng NPA sa Sultan Kudarat.

Isinuko rin ng mga ito ang dalawang cal. 30 M1 garand rifle, isang M14 Springfield, isang M79 grenade launcher at isang cal. 30 M1 garand Springfield.

Nagdesisyon si Lonon na sumuko para landasin ang pagbabagumbuhay sa piling ng kaniyang pamil­ya matapos na mapagtanto na mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with