^

Police Metro

Bilang ng COVID-19 patients sa mga ospital tumaas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumirit ang mga pasyente ng COVID-19 na naka-confine sa mga pagamutan nitong mga nakalipas na linggo.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

“We have been receiving reports na meron talagang pagtaas ng mga numero ng mga pasyente sa ating mga ospital for COVID-19 cases,” ani Vergeire.

Gayunman, wala naman aniyang, nagaganap na second wave o surge ng COVID-19.

“Ang sinasabi namin there is a marked increase of cases. We are not going to say na it’s a ‘wave,’ it’s a ‘surge.’ Wala na ho tayong mga terminology na ganyan dahil naguguluhan po ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Vergeire.

Nilinaw rin niya na ang vaccination rollout na isinasagawa ng local government units (LGUs) ay walang kaugnayan sa naturang pagtaas ng mga kaso ng sakit sa kasalukuyan.

“Definitely not. Ang bakuna po at ang vaccination ay makakaprotekta. Hindi ‘yan magbibigay sa atin ng mga negative outcomes katulad ng pagtaas ng kaso,” aniya pa.

“Kung saka-sakaling iniisip nila na dahil doon sa mga ceremonial na naisagawa, kung ‘yan ang pinupunto natin, we need to wait for another two weeks to see kung magkakaroon ng pagtaas ng kaso dahil sa nangyaring events na ito,” dagdag pa ng health official.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with