^

LTO kakasuhan sa nabalam na plaka ng motorsiklo

Gemma Garcia (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kasong graft and corruption laban sa mga Transportation official na dawit sa nabalam na pagpapalabas ng motorcycle plate numbers.

Nauna nang nakatikim ng sermon ang Land Transportation Office (LTO) officials kay Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon dahil sa naiipit na mga lisensya ng motor na hindi pa naipapamahagi sa loob ng halos walong taon.

Noong 2013 nang buksan ng LTO ang isang public bidding para sa  supplier ng motorcycle plates, pero pinatigil ito ng Commission on Audit (COA) dahil iligal umano ito dahil walang nakalaang budget para rito sa panahong ito.

“Ang nangyayari naghahabol sila ng 2-3 taon na walang plaka, samantalang meron naman silang mga pabrika ng plaka sa LTO noong araw pa,” giit pa ni Gordon.

“Ang dami nating katiwalian na pinababa­yaan lang natin at kinakaya ‘yung maliliit na wa­lang laban,” dagdag pa niya.

LTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with