^

Police Metro

Pagbakuna sa publiko aarangkada sa Mayo

Malou Escudero - Pang-masa
Pagbakuna sa publiko aarangkada sa Mayo
Sinabi ni Galvez na may shortage sa bakuna sa buong mundo at sa second quarter pa ng taon dara­ting ang bakuna mula sa COVAX facility kasama na ang mula sa Prizer at AstraZeneca.
AFP/Yaksin Akgul

MANILA, Philippines — Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr., na sa buwan pa ng Mayo maaaring magsimula ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga ordinaryong mamamayan.

Sinabi ni Galvez na may shortage sa bakuna sa buong mundo at sa second quarter pa ng taon dara­ting ang bakuna mula sa COVAX facility kasama na ang mula  sa Prizer at AstraZeneca.

“Ang magiging available this second quarter is iyong COVAX Facility, kasama iyong Pfizer at saka AstraZeneca. And then iyong sa ating procurement, we have Sinovac,” ani Galvez.

Idinagdag ni Galvez na nakikipag-unahan  pa rin ang gobyerno para sa mas mabilis na deliveries ng mga bakuna na posibleng ibigay sa publiko sa Mayo.

Idinagdag ni Galvez na sa isinasagawang negosasyon ay nagbabayad na ng mas malaki ang Pilipinas para sa mas maagang deliveries.

“Actually nga...ang ginagawa nga natin sa negotiation, we are paying more, inaakyat namin iyong price to have them deliver it early. Kasi iyong price na iakyat natin, iyong economic gains is more than enough to cover that prices, so iyon ang ginagawa natin sa negotiation,” ani Galvez.

Idinagdag ni Galvez na ang isang tina-target ng gobyerno ay ang Moderna at iba pang bakuna na puwedeng makuha sa Mayo o Abril.

Idinagdag ni Galvez na bagaman at mataas ng ilang dolyar ang ibaba­yad ng Pilipinas para mas mapaaga ang dating ng bakuna, may mga bansang katulad ng Israel na nagbayad ng doble para lang makakuha ng bakuna.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with