^

Police Metro

Duque naging vaccinator, pero hindi nagpabakuna

Danilo Garcia - Pang-masa
Duque naging vaccinator, pero hindi nagpabakuna
Si Health Secretary Francisco Duque, ang nanguna sa pagbakuna ng Sinovac vaccine sa mga AFP frontliners sa V. Luna General Hospital, Quezon City. Kasama rin sa larawan sina AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Department of National Defense Delfin Lorenzana at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ng umaga ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbabakuna sa unang tumanggap ng Sinovac vaccine sa Lung Center of the Philippines (LCP) bilang hudyat ng vaccination program ng gobyerno.

Binakunahan ng kalihim si Dra. Eileen Aniceto, Pulmonologist at head ng LCP emergency room at pagkatapos ay sumunod naman ang 19 pang ibang health workers ng LCP.

Sa kabila ng anunsyo na magpapabakuna rin si Duque, hindi naman ito naisagawa dahil sa mas inuna muna ang mga nakalinyang mga doktor at staff ng ospital.

Bago ito, muling hinikayat ng kalihim ang publiko na magpabakuna na at huwag nang hintayin ang pagdating ng ibang brand ng COVID-19 vaccine. 

Iginiit niya na sa buong mundo ginagamit ang Sinovac vaccine kung saan may 2.5 milyong doses na ang naiturok sa iba’t ibang bansa.

Sinabi pa niya na aabot lamang sa .0005% ang risk o panganib na maaaring idulot ng bakuna habang kung hindi magpapabakuna ay napakataas ng risk na magkaroon ng COVID-19. 

Tiniyak din niya na may indemnification ang gobyerno sa mga magpapabakuna na magkakaroon ng seryosong epekto sa pamamagitan ng PhilHealth ang pagpapaospital ng pasyente at iba pang gastusin.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with