^

Duterte itinalaga ang NBI na mag-imbestiga sa misencounter

Gemma Garcia (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang National Bureau of Investigation (NBI) ang tanging ahensiya na itinalaga ni Panguong Rodrigo Duterte na mag-iimbestiga sa madu­gong shootout sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kamakailan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na nagdesisyon ang pangulo na ta­nging NBI na lang ang mag-iimbestiga  kung saan dalawang PDEA agent at dalawang pulis ang namatay sa shootout sa parking lot ng isang fastfood sa Commonwealth, Quezon City.

Paliwanag ni Roque na NBI lang ang mag- iimbestiga sa nasabing barilan dahil gusto ng pangulo na matiyak na magiging patas ang im­bestigasyon sa pangyayari at dahil dito ay titigil na sa pag-iim­bestiga ang PDEA at PNP sa nasabing insidente.

Maliban dito, ayon umano sa pangulo, legal na mandato ng NBI na mag-imbestiga lalo na kung men in uniformed ang nasasangkot.

PDEA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with