^

NPA kidnaper ng mga bata — Duterte

Malou Escudero (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang bagong tirada ang pinakawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na inakusahan na kidnaper ng mga bata.

“Itong mga NPA, kinukuha nila ‘yung mga anak, dinadala nila sa ibang lugar. Kunin ninyo ‘yung mga anak tapos isauli ninyo sa mga nanay at tatay because a child, a minor, should not be separated from the family home,” aniya sa situationer briefing ukol sa epekto ng bagyong Auring sa Tandag City, Surigao del Sur, noong Martes.

Tila naman dinepensahan ng Pangulo ang nangyaring rescue operation ng mga pulis sa 19 kabataan na miyembro ng indigenous people na sinasabing dinakip umano at tinuturuan ng pagka-terorista sa isang eskwelahan sa Cebu.

Aniya na hindi na kinakailangan ng otoridad ng arrest warrant hangga’t may mga kabataang kailangang sagipin.

“Puntahan mo sa loob, kuhanin mo ang mga bata, at isauli mo at the earliest opportunity,” aniya pa.

“‘Yang mga buwang na ‘yan, ‘yang NPA, they are collecting taxes ­everywhere. Everywhere and anywhere. Kaya may pera.May pera talaga ‘yan.”

Inakusahan ang mga inaresto ng kidnapping at serious illegal detention.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with