^
Krimen tataas sa MGCQ â PNP
Ito ang tahasang sinabi ni PNP Chief General Debold Sinas, dahil mara­ming kriminal ang magsasamantala ng pagkakataon matapos mabakante sa tagal ng pagkakakulong sa kanilang mga bahay dahil sa quarantine.
File

Krimen tataas sa MGCQ — PNP

Doris Franche (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Philippine National Police ang pagtaas ng mga petty crimes tulad ng snatching sa sandaling ilagay ang buong bansa sa Modified General Community Qua­rantine (MGCQ).

Ito ang tahasang sinabi ni PNP Chief General Debold Sinas, dahil mara­ming kriminal ang magsasamantala ng pagkakataon matapos mabakante sa tagal ng pagkakakulong sa kanilang mga bahay dahil  sa quarantine.

 Anya, kahit ang mga snatcher, holdaper at mga ‘tulak’ ay nalimitahan ang kilos at galaw dahil sa banta ng virus ng COVID-19 at sakaling mag- MGCQ, tila normal na naman sa mga kriminal ang mambiktima ng inosenteng sibil­yan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaya’t sinabi ni Sinas na magsasagawa na sila ng kaukulang adjustments sa deployment ng mga pulis upang anumang oras ipatupad ang MGCQ ay handa ang pulisya na rumesponde sa mga nangangailangan ng  tulong.

Sa istatistika ng PNP, kapansin-pansin ang na­ging pagbaba ng lahat ng uri ng krimen sa panahon na ipinaiiral ang istriktong quarantine.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with