^

2 wanted sa murder naaresto

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na operation ang dalawang lalaki na sangkot sa kasong murder at kabilang sa top most wanted ng Taguig at Muntinlupa City.

Ayon kay P/Brig. General Emmanuel Pe­ralta, hepe ng Southern Police District, alas-3:00 ng madaling araw nang maaresto ng Ta­guig police ang akusadong si Aron Mustapha, 37 ng Barangay Mahar­lika Village, Taguig City, habang nagtatago sa compound ng Imam Kusin.

Si Mustapha ay Top 1 Most Wanted ng Taguig Police sa kasong murder na nasa sala ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 09, Taguig Regional Trial Court.

Dakong alas 6:00 ng gabi nitong Huwebes naman nang maaresto ang may kasong murder din na si Nelson Cecillano,36 na  Top 4 Mose Wanted Person ng Muntinlupa City.

MURDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with