^

P70 milyong Chinese goods nakumpiska ng BOC

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa P70 milyong halaga ng mga illegal goods sa Quirino Avenue, Tambo, Parañaque City ang nakumpiska kamakailan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP).

Isang grupo na binubuo ng mga miyembro ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Philippine Coast Guard (PCG), at National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpatupad ng Letter of Authority (LOA) at ininspeksiyon ang isang warehouse nitong Enero 18 na nagresulta sa pagkakadiskubre ng iba’t ibang uri ng Chinese cigarettes, medicines, ipinagbabawal na surgical mask, foodstuff, footwear, garments, at iba pang imported goods.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan kung paano nakapasok sa bansa ang mga illegal goods, at isinasailalim sa inventory para sa case build up at kaukulang pagsasampa ng kaso.

Ayon sa pamunuan ng BOC, ang pagsusumikap nila na mahuli ang mga puslit at mga pekeng produkto, ay isang on-going effort ng ahensiya, sa ilalim ng direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

BOC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with