2.6 milyong shots ng COVID-19 vaccine âdi agad ituturok sa mga Pinoy
Noong Biyernes nagkaroon ng tripartite agreement ang Pilipinas, pribadong sektor at AstraZeneca para sa suplay na 2.6 million doses ng bakuna ng COVID-19. Ang AstraZeneca-Oxford’s COVID-19 vaccine ay 70% epektibo laban sa COVID-19 sa unang dose at tumaas pa sa 90% matapos ang ikalawang dose na ibinigay makalipas ang isang buwan.
AFP/Johannes Eisele, file

2.6 milyong shots ng COVID-19 vaccine ‘di agad ituturok sa mga Pinoy

Ludy Bermudo (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi basta-basta ituturok na lang sa target na mahigit isang milyong Pinoy ang nakalaang 2.6 mil­yon shots ng coronavirus disease 2019 vaccine mula sa AstraZenec na donasyon ng pribadong sektor.

Ito ang paglilinaw kahapon sa Laging Handa briefing ni Health Undersecretary Mario Rosario Vergeire sakaling papasa ang bakuna sa regulatory process sa Pilipinas.

Ang donasyong nagkakahalaga ng P600 milyon mula sa pribadong sektor ay advanced commitment para makatiyak na may nakalaan nang  bakuna.

Noong Biyernes nagkaroon ng tripartite agreement ang Pilipinas, pribadong sektor at AstraZeneca para sa suplay na 2.6 million doses ng bakuna ng COVID-19. Ang AstraZeneca-Oxford’s COVID-19 vaccine ay 70% epektibo laban sa  COVID-19 sa unang dose at tumaas pa sa  90% matapos ang ikalawang dose na ibinigay makalipas ang isang buwan.

Paliwanag ni Vergeire, kailangan pang dumaan sa regulatory process sa bansa ang AstraZenaca vaccine para sa clearance ng Food and Drug Administration (FDA) at payagan na sa merkado sa pamamagitan ng rehistro.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with