House leaders lumalabag sa health protocols vs COVID-19

Joy Cantos (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napuna ng mga kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mismong mga liderato ng Kamara ang lumalabag sa health protocols vs COVID-19, kaya’t patuloy ang pagtaas ng kaso.

Mismong si House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikee Romero, DIWA Partylist Rep.Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza ang umano ay sumusunod sa mandatory health protocol dahil ang mga ito ay napaulat na nakasama si  TESDA Director Isidro Lapeña sa isang pagtitipon ng mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) na naging positibo sa COVID-19.

Subalit hindi umano nagself-quarantine bagkus ay dumadalo pa sa mga hearing sa Kamara na maaaring malagay sa kumpromiso sa kanilang mga staff at iba pang kapwa mambabatas.

Nabatid na isang lady solon ang nagpa-swab test noong Nobyembre 16 nitong Nobyembre 20 nang ma­kuha ang test result ay nagpositibo ito.

Kaya’t nanawagan sila kay Velasco na paigtingin ang ipinatutupad na protocol laban sa COVID 19 at ‘wag masyadong mag-relax.

HEALTH PROTOCOLS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with