‘Special child’ patay sa sunog

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 12-anyos na lalaki­ na sinasabing ‘special child’ ang nasawi ma­karaang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Daryl De Jesus, at nakatira sa Diamante Street, Fabie Estate, Road 4, San Andres, Sta. Ana.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-9:30 ng umaga nang mag-umpisa ang apoy buhat sa loob ng bahay ng biktima na mabilis kuma­lat sa buong kabahayan.

Naipit naman sa loob ng kaniyang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay ang bata na hindi na nagawang mailigtas dahil sa biglaang paglaki ng apoy. 

Sa mopping operation, tumambad ang tupok na bangkay ng biktima na labis na ikinahinagpis ng kaniyang mga kaanak.

Inaalam pa kung ang isang bagong biling speaker ang nag-short circuit at siyang pinagmulan ng apoy.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with