4 natusta sa loob ng nasunog na 2 van

Doris Franche (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natusta ang apat na katao na sakay ng dalawang van matapos na ito ay magliyab nang magsalpukan kahapon ng madaling araw sa Valladolid, Negros Occidental.

Apat sa mga nasawi ay ang magkapatid na sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental. Habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang sakay ng isa pang van.

Sa ulat ng pulisya,bago naganap ang salpukan ng dalawang van, alas-12:15 ng hatinggabi sa pakurbang daan sa Barangay Sagua Banwa, Valladolid­ ay lulan ng wing van (MZK 1767) ang magka­patid na Larios na papunta sa north direction nang makasalpukan ang van na may plakang MHA 4613 na papunta naman sa Du­maguete City, Negros Oriental­ upang maghatid ng produkto.

Sa lakas nang salpukan ay kapwa nagliyab ang da­lawang van na kung saan ay hindi nakalabas ang mga sakay nito na nasunog sa loob.

Halos tumagal ng mahigit apat na oras bago na­ilabas ang sunog na bang­kay ng apat na biktima.

VAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with