Cayetano tinanggihan na maging  Deputy Speaker
Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag si Alan Peter Caye­tano sa isyu kung talagang tinanggihan nito ang alok ni Velasco at ano ang kaniyang dahilan.
STAR/File
Cayetano tinanggihan na maging Deputy Speaker
Joy Cantos (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni 1 PACMAN Partylist Rep. at Deputy Speaker Mikee Romero na tinanggihan umano ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Caye­tano ang alok ni Speaker Lord Allan Velasco na maging Deputy Speaker ito sa ­ilalim ng kaniyang liderato.

 “It’s just parang courtesy, out of respect, he’s the former Speaker (House of Representatives ) the position of Deputy Speaker was offered to him but he rejected ,” ani Romero.

Ayon kay Romero  na siya ring Pangulo ng Partylist Coalition Foundation Inc. sa Kamara, dahilan  sa hindi tinanggap ni Ca­yetano ang alok ni Velasco kaya inalok naman ang posisyon ng Deputy Speaker sa misis nitong si Taguig City Rep. Maria Laarni “Lani” Cayetano.

Una nang sinabi ni Velasco na aalukin niya ng posisyon si Cayetano at bahala itong mamili kung nais nitong maging Deputy Speaker o kaya naman ay bilang Chairman ng isa sa mga komite ng Kamara.

Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag si Cayetano sa isyu kung talagang tinanggihan nito ang alok ni Velasco at ano ang kaniyang dahilan.

 

ALAN PETER CAYE­TANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with