^

Police Metro

13 bayan sa Benguet may parating na ambulansiya

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa darating na 2021 ay asahan ang pagdating ng bagong ambulansiya para sa 13 bayan sa lalawigan ng Benguet.

“Ito po ang request ng mga mayor po natin na magkaroon ng mga bagong ambulansya dahil ‘yung mga existing nilang ambulansya, kundi sira na ay mabagal nang tumakbo dahil sa kalumaan,” ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap na caretaker rin ng Benguet Lone District.

Noong Biyernes, da­lawang brand new ambulances ang ibinigay ni Philippine Cha­rity Sweepstakes Office  General Manager Ro­yina Garma sa bayan ng Bakun at Kapangan na nagkakahalaga ng P3.2  milyon.

Ayon sa PCSO, ang donasyon ng naturang mga ambulansya sa dalawang bayan ay request ni Cong. Yap gayundin ang P200,000 na mga gamot na ipinamahagi naman sa mga local government units ng Buguias, Tublay, at La Trinidad.

“May mga parating pa po na mga ambulansya next year mula sa PCSO pero para sa mga bayan na hindi mabibigyan, ang tanggapan ko na po ang magbibigay sa kanila,” dagdag pa ni Yap.

Pahabol ng mambabatas, ang mga ambulansya ay maghahatid ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), mga magpapa-dialysis o magpapa-chemotherapy sa Baguio City o karatig na mga lungsod.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with