50 pamilya sa Maynila nawalan ng bahay sa sunog
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nawalan ng bahay ang nasa 50 pamilya sa magka­sunod na sunog na sumiklab sa Sampaloc at Tondo, May­nila kamakalawa ng gabi

Unang sumiklab ang sunog, alas-7:52 sa tatlong palapag na bahay sa may No. 616-F Aranga Street, Sampaloc na pag-aari ni Nora Bondoc Noceda na umabot sa ikatlong alarma hanggang alas-11:26 ng gabi bago tuluyang magdeklara ng fire-out.

Aabot umano sa P300,000 ang natupok na halaga ng ari-arian sa 20 bahay na naapektuhan ng apoy na may 40 pamilya.

Alas-8:11 ng gabi nang sumiklab ang isa pang sunog sa dalawang palapag na bahay sa may H. Asuncion Street, Brgy. 13 Zone 2 Tondo na umabot sa ikala­wang alarma at ganap na napatay dakong alas-9:23 ng gabi at aabot sa apat na bahay ang naapektuhan ng apoy.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with