^

Police Metro

FSP, gagamitin ng DSWD sa pamamahagi ng ayuda

Malou Escudero - Pang-masa
FSP, gagamitin ng DSWD sa pamamahagi ng ayuda
Sa tala ng DSWD, nasa 72.4% o 10.2 million mula sa target na 14.1 million beneficiaries ang nakatanggap ng ayuda sa second tranche nito kung saan inaasa­hang matatapos ang pamamahagi sa kalagitnaan ng Agosto.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Para masiguro na maihatid ang ayuda sa mga mahihirap sa kabila ng umiiral na lockdown sa Metro Manila at kalapit nitong probinsya ay inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases (IATF-MEID) sa ilalim ng rekomendasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)—ang panibagong protocol.

Ayon sa IATF, ang mga kapartner nitong financial service provider (FSP) ay maaari ng makapag-operate ng kanilang full capacity maging ang mga em­pleyado nila ay pinapayagan na ring mapabilis ang kanilang trabaho para mas makatulong.

Sa tala ng DSWD, nasa 72.4% o 10.2 million mula sa target na 14.1 million beneficiaries ang nakatanggap ng ayuda sa second tranche nito kung saan inaasa­hang matatapos ang pamamahagi sa kalagitnaan ng Agosto.

Matatandaang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na humahanap na ng paraan ang pamahalaan para sa posibleng third round ng pamamahagi ng ayuda para sa mga maaapektuhan ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilan pang probinsya na isasama sa panukalang Bayanihan to Recover as One Act.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with