Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, narinig ni Duterte ang hinaing ng medical community na napapagod na sa patuloy na paglaban sa COVID-19 lalo pa’t mas tumaas ang bilang ng may impeksiyon nang luwagan ang quarantine. Pag-uusapan na aniya ng IATF ang gustong mangyari ng medical community na ilagay ang Metro Manila sa ECQ,
AFP/Ted Aljibe
Duterte sa IATF: 2-linggong ECQ sa Metro Manila na hirit ng health workers, aksyunan
Malou Escudero (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang panawagan ng mga healthcare workers sa pamahalaan na ilagay muna sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo, iniutos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na aksyunan ito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, narinig ni Duterte ang hinaing ng medical community na napapagod na sa patuloy na paglaban sa COVID-19 lalo pa’t mas tumaas ang bilang ng may impeksiyon nang luwagan ang quarantine. Pag-uusapan na aniya ng IATF ang gustong mangyari ng medical community na ilagay ang Metro Manila sa ECQ,

“The suggestion will be discussed by the IATF anew,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na nais ng Pangulo na aksiyunan agad ng IATF ang lahat ng “concerns” ng mga health workers. Aniya, maliban sa pagpapasalamat sa kanilang kontribusyon sa panahon ng pandemic ay kinikilala ng Malacañang ang kahalagahan ng mga health workers bilang frontliners sa paglaban sa COVID-19.

“Your voices have been heard. We cannot afford to let down our modern heroes. This is our commitment,” ani Roque.

Igiiniit din kahapon ni Senator Panfilo “Ping Lacson na dapat pakinggan ng gobyerno ang apela ng mga health workers na ilagay muna sa ECQ ang Metro Manila.

ECQ HEALTH WORKER IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with