^

Police Metro

Ex-pulis, paslit todas sa trak

Raymund Catindig, Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis at isang 3-anyos na batang lalaki ang kapwa nasawi nang sila ay masalpok ng trak sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Quezon at Isabela.

Sa ulat, alas-5:00 ng hapon ay minamaneho ni retired P/MSgt. Reynaldo Diaz, 53, ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang highway na sakop ng Sitio Hugos, Brgy. Sta. Maria.

Pagsapit sa pakurbadang bahagi at basang kalye bunsod ng ulan ay nawalan ito ng kontrol at kinain ang linya ng kasalubong na Bicol bound six wheeler truck (WPJ-360) na minamaneho ni Marvin Lovena ng Camarines Norte at nasalpok ito. Idineklarang dead-on- arrival ang biktima.

Samantala, namatay noon din ang biktimang si Wilfredo Aglugob, 3-anyos nang ito ay masalpok ng dump truck na minamaneho ni Michael Mangaong naganap kamakalawa ng hapon sa highway ng Brgy. Rizal, Cauayan City, Isabela.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon ay bigla umanong tuma­wid sa kabilang kalsada ang biktima at hindi nakita ang mabilis na pagdating ng minamanehong trak ni Ma­ngaong at nabigo na itong maiwasan ang biktima kaya’t nasalpok ito na naging sanhi ng agarang kamatayan.

Ang dalawang driver ng trak ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with