^

Police Metro

Posisyon ni Cayetano sa ABS-CBN franchise suportado ng iba pang lider ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suportado ng iba pang lider ng Kamara ang posisyon ni Speaker Alan Peter Cayetano na dapat unahin ang kapakanan ng mga tao sa panahon ng krisis.

Ayon kina Deputy Speakers Roberto Puno, Raneo Abu at Dan Fernandez, madedesisyunan lamang ang kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng patas na pagdinig at walang pressure mula sa anumang grupo.

Sinabi ni Fernandez na kinatawan din ng Laguna na mananatili sa modified enhanced community quarantine, mas prayoridad ng Kongreso ang interes ng mga Pilipino na makaligtas sa mga hamon ng COVID-19 pandemic.

Sabi naman ni Puno na hindi nila nakakalimutan ang kanilang responsibilidad sa usapin ng ABS-CBN franchise pero mas importante ngayon na tutukan ang pagliligtas ng buhay at tulungang makabangon ang mga negosyo.

Sinegundahan ito ni Abu at iginiit na hindi naman agarang mareresolba ang isyu ng ABS-CBN kahit magtakda ng pagdinig ang Kamara.

Hindi anya maaaring apurahin ng Kongreso ang proseso nang hindi naririnig ang lahat ng panig hindi lang ang mga pabor na mabigyan ng prangkisa ang network kundi maging ang mga tutol para matiyak na tama ang magiging desisyon ng kapulungan sa bagay na ito.

Nitong Martes ng hapon, sinabi ni Cayetano na hindi nangangahulugan na kapag isinagawa ang pagdinig ay otomatiko ng mare-renew ang prangkisa ng network dahilan marami pang kailangang timbangin at alamin sa nasabing isyu.

Related video:

vuukle comment

ABS-CBN

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with