Transport sector malaki na ang nalulugi

MANILA, Philippines — Malaki na ang nalu­lugi sa sektor ng pampublikong transportasyon sa bansa, bunsod pa rin ng crisis sa coronana­virus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag ni  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) technical division chief Joel Bolano kaya’t pabor sila na ipatupad ang limi­tadong pasahero upang matiyak na magkakaroon ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan sa pagbabalik ng operasyon ng mga ito.

Ani Bolano, kaila­ngang magtulungan at magsakripisyo ang lahat upang malampasan ng bansa ang kinakaharap na krisis pangkalusugan sa ngayon.

Una nang inianunsiyo ng pamahalaan na papayagan na ang pag-operate muli ng mga public transportation sa mga lugar na isinailalim na sa general community quarantine (GCQ) simula nitong Mayo 1. Gayunman, tanging kalahati o 50 porsyento lamang ng orihinal na passenger capacity ng mga public utility vehicles (PUVs) ang maaari nilang isakay para maiwasan ang siksikan at posibleng hawahan ng virus.

Tiniyak din na hindi kasama sa mga tinalakay nila ang posibleng pagtataas ng pasahe upang mabawasan ang epekto ng mas lalo pang pagkalugi ng public transport sector.

Show comments