^

Bill ng COVID patient sa private hospital aabot sa P3-milyon

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot umano sa P3 milyon ang maaaring kabuuang bill dahil sa gastos sa respirator na nagkakahalaga ng P20,000-P30,000 kada araw ang isang COVID-19 patient na na-confine sa isang pribadong ospital.

Ito ang sinabi ni Private Hospitals Association Philippines Inc. (PHAPi) President Dr. Rustico Jimenez dahil sa sagot ng pasyente ang mga gamit na PPEs (personal protective equipments) ng mga health workers na nangangalaga sa kaniyang kalusugan.

Bawat PPE ay nagkakahalaga ng P1,800 hanggang P2,000. May dalawang nurse na nakatalaga sa isang pasyente na regular na nagpapalit ng PPE.

Matagal na umanong nananawagan ang PHAPi sa Department of Health para magbigay ng donasyon na PPEs ngunit kakaunti lang ang kanilang natatanggap kaya umoorder pa sila sa ibang bansa na ipinapatong sa bill ng pasyente.

Muling nanawagan si Jimenez sa DOH na sagutin ang ibang pangangailangan ng mga COVID patients sa mga pribadong ospital para mapababa ang kanilang bayarin.

Una nang sinabi ng Philippine Health Insu-rance Corp. na sasagutin nila ang gastos ng mga COVID patients hanggang Abril 14, pero pagsapit ng Abril 15, magpapatupad sila ng bagong klasipikasyon sa pagsagot sa bayarin ng mga pasyente.

BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with