Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 151 na

MANILA, Philippines — Nakapagtala na ng 151 na kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos mula sa Quezon City government, sa nasabing bilang ay 11 ang naka-recover na o gumaling at 27 naman ang nasawi. Mayroon namang 73 persons under investigation o PUIs at 385 na persons under monitoring o PUMs sa lungsod.

Naitala ang mga kaso ng COVID-19 mula District 1 hanggang District 6 ng lungsod at Barangay B.L. Crame na nakapagtala ng may pinakamaraming kaso na umabot sa 9, habang ang Barangay Matandang Balara, Batasan Hills, at Pasong Tamo ay mayroong tig-8 kaso.

Related video:

Show comments